October 01, 2020 - Thursday
Website Name Image
Weather icon
28.85 ℃, Thunderstorm
Davao City, Philippines

ARBOs, Institutional Markets sa Region 8, makakatuwang ng gobyerno sa programa kontra gutom - Nograles

August 13, 2020 - Thursday 8:08 PM by PR

Article Banner Image

“Labingtatlong Agrarian Reform Beneficiaries Organizations at 17 Institutional Markets sa Region 8 ang makakatuwang natin sa pagpapatupad ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) program sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyong ito.”

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsilbing pangunahing tagapagsalita sa ginanap na 6th Virtual Memorandum of Understanding (MOU) and Marketing Agreement Signing sa pagitan ng DAR, BJMP, DA, DOH, DILG at DSWD na idinaos nitong Miyerkules, Agosto 12, 2020 sa Hotel Alejandro, Tacloban City.

“Wala akong mapagsidlan ng kasiyahan na maging bahagi at masaksihan ang paglagda ng ating mga katuwang na ahensiya sa programa kontra gutom ng gobyerno. Sa kabila ng pisikal na mga limitasyon na dala ng pandemya, ang mga ahensyang ito ay hindi magpatinag at nananatiling kumikilos para sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin,” ayon sa Punong Tagapangasiwa ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Ayon kay Nograles, ito na marahil ang pinakamalaking regional MOU signing na kanyang nasaksihan simula ng magsagawa nang ganitong aktibidad. 

“Ito ang mga patunay na sa pamamagitan ng masigasig na dedikasyon at kooperasyon mula sa ating mga katuwang, walang anumang pandemya ang maaaring makapigil sa atin,” bigay diin ng Kalihim.

Ang ceremonial signing ay dinaluhan din “virtually” nina DAR Secretary Atty. John R. Castriciones, Undersecretary for Support Services Atty. Emily O. Padilla, Undersecretary Virginia Orogo, Assistant Secretary Milagros Isabel A. Cristobal, DAR Region 8 OIC-Regional Director Ismael P. Aya-ay, Assistant Regional Director for Administration Ma. Fe D. Malinao, CARPO Melecia M. Ong, EPAHP Focal Person Josefina D. Amande, BJMP Regional Director Jail Senior Superintendent Felly Atienza Cebuma, Jail Senior Superintendent of BJMP National Head Quarters Flory Sanchez, DSWD Regional Director Marie Angela S. Gopalan, DA Regional Director Angel C. Enriquez, DOH Regional Director Dr. Minerva P. Molon, DILG Regional Director Karl Caesar R. Rimando, Ms. Susan Gambalan, Ms. Zane Cortez, Agrarian Reform Beneficiaries at iba pang partner agencies.

Sinabi ni Nograles na mula noong buwan ng Mayo ay sinimulan na nilang hikayatin ang lahat ng mga katuwang na ahensya sa EPAHP na magsagawa at ipatupad ang mga nakaplanong aktibidad sa pamamagitan ng online o virtual set-up. 

Ayon kay Nograles, sa ginanap na EPAHP Steering Committee Meeting noong Hulyo 24, 2020, ay kanilang napagkasunduan na magsagawa ng regional EPAHP meeting upang maayos na magabayan ang mga implementing agencies ng central office/steering committee at mapabilis ang ugnayan ng mga ahensya at mga programa.

“Sa tulong ng DTI at lahat ng mga kasaping ahensya ng EPAHP, inihahanda na rin namin ang proposal para sa pagsasagawa ng virtual meeting sa mga private sectors upang magkaroon tayo ng mas maraming mamimili ng produkto o ani ng ating mga magsasaka,” pahayag ng Kalihim ng Gabinete.

Ang EPAHP program ay isang pinagsanib na programa na naglalayong mapataas ang produksiyon sa mga bukirin at madagdagan ang kita ng mga magsasaka, matiyak na sapat ang pagkain at seguridad sa nutrisyon, at mabawasan ang kagutuman at malnutrisyon sa bawat pamayanan sa mga kalungsuran at mga kanayunan.

Ang EPAHP program ay naka-angkla sa Sustainable Development Goals ng Philippine Development Plan 2017-2022 at mga katulad na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung saan ang pangunahing layunin ay mabawasan ang poverty incidence ng 14% sa panahon ng kanyang termino.

“Iba't ibang mga organisasyon ang nagtatrabaho sa ilalim ng EPAHP. Mula sa paunang tatlong ahensya ng gobyerno, naging labing-isa na mahigit na mga kasaping ahensya at mga katuwang sa institusyon na kinabibilangan ng DILG, BJMP, DepEd, DOH, NNC, DOST, DTI, NAPC, NIA, TESDA, PopCom, LANDBANK, DBP at DICT,” dagdag pa opisyal ng Palasyo.

Kabilang sa pangunahing features ng EPAHP ay ang mga sumusunod: credit and market access para sa mga organisasyong nakabase sa komunidad sa pamamagitan ng Landbank at suporta mula sa mga katuwang na mga ahensya ng gobyerno. Nilalayon ding mas palawakin ang saklaw ng implementasyon nito sa buong bansa, pero uunahin munang ipatupad ito sa 32 priority provinces ng Human Development and Poverty Reduction Cluster.

Noong nakaraang buwan aniya, inaprubahan ng Steering Committee of the EPAHP ang pagsasama sa Philippine Coconut Authority (PCA), National Dairy Authority (NDA), Philippine Carabao Center (PCC), Development Bank of the Philippines (DBP), at Department of Information and Communication Technology (DICT) na magiging bahagi rin ng programa.

Sinabi din ng dating mambabatas ng Davao na ang nilagdaang MOUs at MAs sa pagitan ng mga ahensiya ng gobyerno, 13 ARB Organizations at Institutional Markets ay isa na namang testamento na gumagana ang EPAHP.

Ang mga ARBOs na lumagda ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Paglaum FA at Maalsada FISCO mula sa Leyte; Almeria Seafarers Multi-Purpose Cooperative (ASEMCO) mula sa Biliran; Carnaga MPC, MAGAPSO Irrigators Association, Association of Farmers & Advocates of Organic Farming Inc. (AFAOFI) at BUENAPAMA ARB MPC mula sa Southern Leyte; San Gabriel Farmers ARB Coop, Camagting Agricultural Association at FEA ARCO mula sa Eastern Samar; AOVR at Balat-Balud FA mula sa Northern Samar, Hilaba FA mula sa Western Samar.

Sa ilalim ng MOU at Marketing Agreements, ang ARBOs ay magsusuplay ng kanilang agricultural produce sa Institutional Markets na sumusunod: Eastern Visayas Regional Medical Center, Schistosomiasis Control and Research Hospital, DOH Treatment and Rehabilitation Center, Tacloban City Jail Male Dorm at Tacloban City Jail Female Dorm sa lalawigan ng Leyte; Naval District Jail sa probinsiya ng Biliran; San Juan District Jail, Sogod District Jail at Maasin District Jail sa Southern Leyte; Borongan City District Jail, Guiuan District Jail at Balangiga District Jail sa Eastern Samar; Catarman District Jail, Laoang Municipal Jail at DSWD sa Northern Samar; Catbalogan City District Jail at Basey Municipal Jail sa Western Samar.

Ang DAR ay nakapagsagawa na rin ng MOU at MA Signing sa sampung rehiyon na kinabibilangan ng CAR, Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, IX, XI, at CARAGA. Inaasahan na sa madaling panahon ay mailulunsad din ito sa anim pang rehiyon at sa BARMM.

"Mariin nating hinihikayat ang lahat, sa ating kapwa katuwang sa gobyerno at pribadong sektor, na ipagpatuloy ang kanilang aktibong pakikilahok at palakasin ang suporta sa ating mga magsasaka. Hinihimok din natin ang 13 ARBOs at mga local farmers’ organizations dito sa Region 8 na maging pro-active at patuloy na makilahok sa programa dahil mayroon na kayong siguradong mga mamimili ng inyong mga kalakal. 

Advertisement
Advertisement