July 04, 2020 - Saturday
Website Name Image
Weather icon
25.85 ℃, Broken clouds
Davao City, Philippines

Man who faked President Duterte’s signature, arrested by PACC and NBI

April 18, 2020 - Saturday 1:04 PM by MDM

Article Banner Image

LUNGSOD NG MAYNILA ----- Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalakeng pinepeke ang pirma ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpapanggap na miyembro ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 at nagbebenta pa ng mga quarantine pass.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, ang suspek ay kinilalang si Marvin Cuna, residente ng Biñan, Laguna at nagpapanggap na miyembro ng Presidential Task Force on Moral Recovery.

Ayon kay Belgica, nakatanggap sila ng reklamo mula sa mga concerned citizens na nagbebenta ang suspek ng quarantine pass na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P3,000 at pinepeke ang pirma ng Pangulong Duterte sa mga dalang dokumento.

Dahil dito ay ikinasa nina PACC Commissioner Rickson Chong, Commissioner Greco Belgica at NBI  Sta. Rosa Laguna district officer Chief Daniel  Daganzo ang operasyon laban kay Cuna na nagresulta sa pagkakaparesto nito noong Huwebes.

Nakumpiska mula sa suspek ang pekeng mga ID, cash at mga pekeng dokumento ng IATF.

Ayon kay Belgica, ang suspek ay miyembro ng isang Non-Government Organization na nagpa-accredit sa isang ahensya ng pamahalaan para magboluntaryong tumulong para masugpo ang pagkalat ng epidemya, ngunit nilinaw ni Commissioner Belgica na hindi konektado si Cuna sa Office of the President o saan man sa Malacañang

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI at mahaharap sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act of 2020 at falsification of documents.

Binigyan diin ni Belgica na walang binebenta na anumang dokumento ang gobyerno sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Nagbabala si Belgica sa publiko na mag-ingat sa ganitong mga uri ng panloloko at agad na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sakaling may mabatid na ganitong uri ng mga modus operandi. 

Advertisement
Advertisement