July 15, 2020 - Wednesday
Website Name Image
Weather icon
26.85 ℃, Light rain
Davao City, Philippines

PACC Commissioner Greco Belgica on corruption in Divisoria

January 06, 2020 - Monday 10:01 PM by MDM

Article Banner Image

"The days of the 'mafia style' protectionism in divisoria is gone. Itutuwid na po natin ang korap na sistema. Magbayad ng tamang buwis, i-register ng maayos ang negosyo, sumunod sa batas. Wala ng takutan, wala ng lagayan, walang palakasan. Sumunod lang sa batas, walang labis walang kulang".

Corruption and harrasment thrives at ilegal status and operations. Pag tinuwid natin yan, wala ng lagayan at takutan. Lalaki ang ekonomiya, mas dadami ang makapag ninegosyo at trabaho. 

Matapos ang ginawang inter-agency operation sa Divisoria noong Dec. 23, 2019, muli po tayong nagkaroon ng pagpupulong kasama ang BIR, BID, BOC, IPO, DOLE, ARTA, DTI pati na rin ang mga mall admins ng Tutuban Commercial Center, 168 mall, 999 mall, 11/88 mall, at Lucky Chinatown upang magbigay linaw, updates at sunod na hakbang sa isinagawa nating operasyon. Pinaalalahanan natin ang mga business owners na gawin ng tama at legal ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo saan mang parte ng bansa. 

Uulitin ko po, prino-promote po natin ang pagnenegosyo, ngunit gawin po natin ito ng tama sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng Pilipinas." PACC Commissioner Greco Belgica's statement regarding the corrupt system in Divisoria.

Advertisement
Advertisement